Buhay Kabitenya (effective August 2013)

Isa ka ba sa maraming commuters mula Cavite o Batangas na lumuluwas ARAW-ARAW para pumasok sa trabaho o eskwela?  Kung OO ang sagot mo, marahil ay isa ka rin sa apektado sa bagong regulasyon ng MMDA na ipagbawal ang mga Provincial Buses sa EDSA.

Taong 2009 ng magsimula akong magtrabaho sa Pasay. Isa akong Call Center Agent / Supervisor hanggang taong 2011. Araw-araw kong binabiyahe mula Dasmariñas, Cavite hanggang Baclaran. Taong 2012, lumipat ako sa Makati para sa bago kong trabaho.

Kung tutuusin, wala masyadong problema noon, dati naman nang trapik sa Cavite, pero marami kang pwedeng masakyan, papunta ka man sa Maynila o sa Makati.

Nagsimula ang Southwest Integrated Provincial Bus System noong August 6, 2013. Kung saan, isang terminal ang binuksan sa may Coastal Mall sa Macapagal Drive. Andito lahat ng bus Pa-Cavite at Pa-Batangas.

http://www.youtube.com/watch?v=-I5oo8paLgo <—– (see related video)

Well, meron pa ring ilang mga bus na bumibiyahe mula Dasmariñas, Cavite diretso Ortigas (Jasper buses), at pabalik sa Dasma, pero pagdating ng bus sa Dasma, tayuan at siksikan na.  Pag pauwi, Ayala pa lang, nakadikit na ang mukha ng pasahero sa pinto ng bus sa sobrang siksikan.

Para sa mga on-tight budget, ito ang ruta na tinatahak nila. At isa ako dun. Minsan nakakaupo ako sa Baclaran na, madalas, nakatayo ako hanggang pagbaba ko sa Pasay Road.😦

Sinubukan kong sumakay mula sa bagong terminal pauwi. So, mula Ayala, sumasakay ako ng bus na may sign na MIA Road (ordinary bus: 10.00 / aircon bus: 12.00).

Medyo excited ako, kasi pag nag-abang ako sa Ayala ng Jasper bus, makikisiksik ako sa mga pasahero at mamanhid ang mga binti sa tagal ng biyahe, pero dahil may terminal na, kahit pumila ako atleast yung mga bus ay hindi pa puno.

Pero mali pala ako, maraming bus, at napakaaaaaaaaraming ring pasahero. Isa pa sa nakita ko, napakagulo ng pila ng mga pasahero.

Kung taga-Dasmariñas ka lang gaya ko, kahit anong bus na dadaan sa Gen. Aguinaldo Highway ay puwedeng mong sakyan. Dito sa terminal, nagkalat ang iba’t-ibang bus pauwing Cavite at Batangas, lahat puwede kong sakyan, at lahat may mahabang pila.

NAKAKALITO. Una akong pumila sa Dasmariñas bus slot na may mala-ahas na pila na hindi mo maintindihan kung nasaan ang dulo. Nakita ko ang bus slot ng pa-Alfonso / Mendez at maikli ang pila, lumipat ako doon.  Hanggang sa unti-unting nagdadatingan ang mga pasahero, humaba ng humaba ang pila namin.

‘Okay lang’ sabi ko kasi maraming bus na papasok sa terminal. Pero mali nanaman ako, dahil ung mga bus na pa-Alfonso / Mendez, puno na at hindi na pumaparada sa bus slot niya. So, sa labas pa lang may sumasakay na.

E para saan pa itong terminal?!

bus 001 bus 002

bus 003

bus 004

Hanggang sa yung mga taong nasa unahan ng pila nagreklamo na, may lumapit ng pulis sa pila namin at dalawang marshalls sa pila. Nag-aaway na pala yung mga nakapila dahil nasingitan na sila ng mga bagong dating. Pagdating nung isang bus, biglang dumami ang tao sa harap ng pinto ng bus at hinaharangan sila ng tatlong marshalls para hindi masingitan kaming nakapila.

Nakapili naman ako ng puwestong uupuan after ng ilang punong bus na nagsakay sa labas pa lang, mga isang oras mahigit ako sa pila. Pero naririnig kong sumisigaw ang driver, dahil meron pala talagang nagpupumilit sumakay na wala sa pila, at madami sila…

bus 005

Pasaway din ang ibang pasahero. Sila din ang nagpapahirap sa sitwasyon nila.

Kung ako, okay lang naman yung ganitong set-up. Magandang ideya ang ginawa nila. Pero dapat ayusin lahat, mula sa pagpasok at paglabas ng bus, at ang pila ng mga pasahero.

Wala pang isang linggo ang bagong regulasyon na ito, bigyan natin ng chance Kababayans.

 

RELATED:

Article: MMDA’s half-baked integrated bus scheme By Alvin Capino (Manila Standard website) — (Link: http://manilastandardtoday.com/2013/08/09/mmdas-half-baked-integrated-bus-scheme/)

Video: SONA: Bagong Southwest Integrated Bus Terminal sa Parañaque, inulan ng reklamo (uploaded via YouTube by gmanews) — (Link: http://www.youtube.com/watch?v=-I5oo8paLgo

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s